DALAWANG URI ANG DAHAS SA KINAGISNANG KAMULATAN
DALAWANG URI ANG DAHAS SA KINAGISNANG KAMULATANni ABET UMIL
Sa Aking Pagkakagising Mula sa Kamulatan
Direksyon: Ato M. Bautista
Iskrip: Shogu Praico
Kuwento: Shogu Praico at Ato M. Bautista
Mga nagsiganap: Carlo Aquino, Ketchup Eusebio,
Hector
____, Cholo Barreto, Empoy Marquez, Luanne Dy at iba
pa
Prodyuser: UNE BLOCK PRODUCTIONS
"There are two kinds of sufferers in this world:
those who suffer from a lack of life, those who
suffer from the over abundance of life."
Waking Life
– Richard Linklater
"Ang kamulatan ay itinatakda ng kalakarang
panlipunan."
– isang progresibong kasabihan
TILAD-TILAD ang mga pangyayaring isinasalaysay ng
pelikulang ito. Ang mga pagitan ay pinagtagni-tagnig
tinilad-tilad ding mga aksyon sa climax. Ibig
sabihin,
ang katapusan ng kuwento ay siyang ginawang simulat
ang simula ay siya ring naging katapusan. Sinundang
pagsasalaysay nito ang istilong popularisado ng mga
Latino Amerikanong filmmaker na ginayahan ng
> pagsasalaysay ng Jologs, Star Cinema. Hep, hep… teka
> muning… dahil ang sining at kultura ay sadyang
> naisasalin at naiaangkop mula sa isa tungo sa isa
pang
> sambayanan, hindi usapin dito ang panggagaya. Ang
> punto ay ang paghimay ng torya ng pelikula para
> unawain kung gaano na naaangkupan ng mga Pinoy
> filmmaker ang hinuhuwarang istilo ng pagsasalaysay.
> Kung hindi, e, pa'no makikita ang orihinalidad ni
> Direk Ato at ang inuulit lang galing sa naisalaysay
> nang kaparehong tema at banghay ng mga naunang
> pelikula?
> Ang Sa Aking Pagkakagising… ay kuwento ng isang
> komunidad na dumaranas ng mga kaugalian, halagahang
> moral at kilos ng apat na Tropang Betlog at isang
> kalugar na nagsipakitang gilas ng bawat taglay
nilang
> karakter para lang makairal.
> Sa simula/katapusan pa lang, umuulan na agad
sa
> lengguwahe ni Betlog Pogi (Ketchup Eusebio) ang
> pananalitang nagpapahalaga sa kamachuhan at
> paglilibang sa mga babaing nakukursunadahan niyang
> yariin. Nabubuhay sa pamamagitan ng sustento ng ina
> niyang OFW sa Hongkong. Ang living legend at
> institusyon sa tomaang si Betlog Taba (_____ _____)
ay
> ang tipikal na napahahalakhak at napahahagikhik lang
> kapag kinukutya ng kabetlog. Kahit ganito, malakas
pa
> rin siyang tumaya ng pulutan at toma galing sa
> pagkakuntento sa sustento ng inang may-ari ng
> paupahang apartment. Sa talim ng tingin at
kalkuladong
> pananalita, ipinaparamdam naman ni Betlog Jopet
(Cholo
> Barreto) ang bigat ng mga dala-dalang talaba sa
> katawan at angas. Sa angas at barkada na rin siya
> nabubuhay. Palabiro si Betlog Kahoy, hindi
nagbibihis,
> ulila at isnatser.
> Tindahan sa kantong umuukupa sa apartment nila
Betlog
> Taba ang tambayan ng tropa. Isang araw ay napadaan
ang
> kalugar nilang si Ray (Carlo Aquino) paghatid sa
> karelasyong si Angel . Dito ihahayag ni Betlog Pogi
> kay Betlog Taba na si Angel talaga ang walang
katapat
> na kursunada niya. Kumikibot lang ang ngiti sa
> pagmumukha ni Ray na parang laging naninimdim kapag
> nakapanonood ng biyolenteng palabas. Si Angel naman
ay
> mahinhin sa labas. Pero di pangkaraniwan ang
> pagkamalapit sa ama (Bodjie Pascua) at pinsang
lalaki
> kapag nasa loob ng bahay.
> Tipong eksaktong dalawang sasakyan na
magkasalubong
> lang ang makadadaan sa kalsada ng komunidad. Ang
isang
> bahagi ay napaparadahan pa ng mga kotseng tirik at
> laos na ang modelo. Mayroon pa itong half court ng
> basketbolang hindi nawawalan ng mga naglalaro
hanggang
> alanganing oras. Sa pader na kaharap nito ay
> nakapahiwatig ang lokal na ehekutibo at
lehislatibong
> mga sangay ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga
> naka-lettering na mga pangalan at istruktura ng
> pamamahala. Ang kabahayan ay halos dekada 70 pa ang
> karamihang disenyo at arkitektura. Pero masasabing
isa
> itong lugar ng mga panggitnang peti-burgis. O ang
> sinasabing middle-middle class. Kaiba nga lang ang
> barungbarong nina Jopet. Di kalayuan dito, tanaw sa
> burol ang prisinto ng lokal na pulisyang
pinamumunuan
> ni Lakay (Lito Pimentel.)
> Nang mapadpad ang Magkakabetlog Pogi, Taba,
Kahoy at
> ang kalugar nilang si Ray sa isang parlor, nalantad
> din ang dalawa pang karakter na sina: Bam, bading na
> beautician, nagpapadaskul-daskol ng trip na hiram sa
> pera at mga poster ng Sacred Heart at Mater Dolorosa
> ang powers; at si Tess, katiwala ni Bam, biktima ng
> pambubugbog ng boypren.
> Nagsanga ang mga landas nila dahil sa
kursunada ni
> Betlog Pogi kay Angel. Na nangangahulugang dagdag na
> himaymay pa ng hidwa sa relasyon ng kolehiyala kay
> Ray, istudyante ng kursong may kinalaman sa siyensya
> ng computer. Bawat isa ay merong mga bakas ng
lumipas
> na nagpasambulat ng kanya-kanyang sikret. Binuo sila
> ng mga sikret na ito bilang pare-parehong biktima ng
> panunupil at karahasan sa mga antas ng relasyon ng
> kasarian, pagkakaibigan, pamilya, magkakabetlog –
mga
> awtoridad, uri sa uri, mamamayan – estadong
barangay.
>
> Ang pagkibot ng ngiti ni Ray sa mga
biyolenteng
> palabas, sukdulan ng kursunada ni Betlog Pogi kay
> Angel, pambibiktima ni Betlog Kahoy, sabog ng angas
ni
> Betlog Jopet, pangitain ni Betlog Taba, ipokrisiya
ni
> Bam, di pangkaraniwang pagkamalalapit ng ama,
pinsan,
> at Angel, ang pagkaadik sa shabu at pagkasadista ni
> Lakay ay umabot sa akumulasyon ng mga sapok, tadyak,
> suntok na inabot ng pagmumukha ni Ray hanggang sa
> mawalan siya ng malay.
> Habang pinanunumbalikan ng malay ay saka
nagsimula
> ang pagsasalaysay ni Ray na siyang pinanggagalingan
ng
> punto-de-bista ng salaysay. Para sa kanya, maraming
> mga bagay sa buhay ang nararapat lang tulugan,
takasan
> at kalimutan. Mula sa kawalan, nagkawindang-windang
> ang pagtawid ng malay niya sa sariling unti-unting
> nakagagagap ng kamulatan. Lalo pa't hindi tiyak ng
> sarili kung patay, tulog at gising siya. O kung nasa
> alinmang pagitan siya ng mga estadong ito ng
> kamulatan. Ang sigurado ay nakararanas siya ng
> pagkamulat sa parehong kawalan-ng-malay at gising na
> simuno ng buhay.
> Pilosopikal ang hagod ng punto-de-bista. Bagamat may
> alinlangan sa estado ng kamulatang unti-unting
> ginagagap ng malay, ang pagkaganyak niya sa masamang
> epekto ng midya at indirektang epekto ng pagkatiwali
> ni Lakay ay institusyunalisado kung ganun ay
> sistematiko ring nagdiditermina ng kulektibong
> kamulatan ng mga karakter.
> Ang sinsin ng iskrip ng Sa Aking Pagkakagising… ay
> mailalarawan sa isang ensemble na di mahulugang
> karayom ang ugnayan ng mga karakter. Ganun kasinop.
> Siyempre maisasaludo ito sa husay ni Praico. Parang
> swak na swak naman ang brilyo nito sa pagkakadirek
ni
> Bautista. Mula sa akting ng Tropang Betlog at ni
> Aquino, kasama na ang mga sekundaryong aktor, hanep,
> maningning; ang pagpuwesto ng parang spy cam at wide
> lens sa tamang lugar ng eksena ay halatang
> pinag-isipan nang todo. Hindi rin napabayaan ang
> editing. Ang kapabayaan sa elementong ito ng
ganitong
> tilad-tilad na istilo ng pagsasalaysay ay
> makahahalihaw lang ng istorya. Pero masinsin at
> masinop nga.
> Sa personal na panlasa, ang musika dito ay
> nakapagpapasidhi ng nakalulugmok na pakiramdam.
Walang
> duda na mahusay rin ang komposisyong ginamit sa
> scoring. Dahil nga lang sa bigat ng tema,
pagkawindang
> ng punto-de-bista at resulta ng nagagap na kamulatan
> pagkagising ni Ray, pagtayo sa sinehan pagkatapos ng
> palabas ay bahagyang sumadsad ang ilang hakbang ko
> dahil sa bigat ng nasagap na powers ng pelikula.
> Tindi. Kung masayahin ang mood ng inilapat na
musika,
> siguro ay baka tumingkad ang parikala o irony sa mga
> makantiyaw na eksena.
> Maaaring sa iba, ang katapusan/simula nito ay
> hahanapan pa ng redeeming value. Para ang kamulatan
ng
> dahas na kinagisnan ni Ray ay mapagbukod sa dalawa:
> una, para sa mga mapanupil, bentahe sa pag-iral nila
> ang reaksyunaryong dahas. Ikalawa, para sa mga
> sinusupil ang matwid na birtud ng dahas ay
> pangangailangan sa paglaya mula sa
institusyunalisado
> at sistematikong terorismo ng estado. Paraan din ito
> ng pagkamit ng panlipunang katarungan sa panig ng
> malawak na masa ng mamamayang mas kalunus-lunos pa
ang
> lagay sa buhay ng magkakabetlog at ni Ray.
> Pinatunayan ng kolaborasyong UNE BLOCK, isang indie
> production sa pangunguna ni Direk Ato, na ang
mahusay
> na pelikula ay kumbinasyon ng husay sa teknik at
> bisyon ng paglikha. Sa gitna ng mga pagtaas ng
presyo
> ng gas, bilihin, buwis at pagkapako ng mababang
sahod,
> nasusubukan ang talas ng bisyon ng isang direktor
> depende sa liwanag ng kamulatan niya. Ang digital
> video o film na format ay dapat lang maging
> kapakipakinabang na midyum ng sensibilidad at
gustong
> iparating ng filmmaker bilang alagad-ng-sining.
> Malinaw ang riyalistang lapit sa paksa ng direktor.
> Sinimulan nitong tumahak sa uri ng cinema na
> ginagaygay ni Jeffrey Jeturian at iniwan ni Lino
> Brocka. Kababaang-loob sigurong sabihing malayo ang
> mararating at makubuluhang abangan pa ang bisyon ni
> Direk Ato sa mga susunod pa niyang opus. Ganap ang
> potensyal niyang makapananalaytay ng kailangang dugo
> sa bulalo ng sining ng paglikha ng pelikula.
> Siyempre, ibang usapin pa ang pagiging kalakal
nito.
> Kung ang konting nanood na kasabay namin ng kasama
ko
> noong Mayo 6, bandang alas-tres ng hapon ang
> pagbabasehan, kailangan siguro ng buong taon o
mahigit
> pang panahon ng pagpapalabas para mabawi ang
> pinagsosyohang kapital nito. Maliban na lang kung
> sunud-sunod na manalo ito ng milyones sa mga lokal
at
> international film festival.
> E, dahil hindi naman talaga mapaghihiwalay ang
> pagiging sining at kalakal ng pelikula, DV o film
man
> ang format, kahit hindi ito tumabo sa takilya,
> mabibigo ang sinomang magbabansag sa Sa Aking
> Pagkakagising… na ito ay walang kabuluhang sining ng
> pelikula.
> Ang totoo'y hindi mabibigo ang mga naghahanap ng
> redeeming value. Makasisimpatya sila ng pag-asa sa
> karakter ni Tess. Kahit limitado ang eksena, sapat
ang
> mga iyon kung saan "intrimitida" ang dating niya sa
> mga relasyong sekswal ni Bam. At nang tantanan niya
> ang pagbaling sa mabisyong siklo ng reaksyunaryong
> dahas. Mabuti at naiwasan sa mga partikular na
eksena
> ang pagkasadlak ng isang biktimang magiging salaring
> banta sa buhay ng isa pang kapwa biktima. Kung ganun
> ay may puwang ang kaganapan ng paghahangad ng
> partikular na manonood, na, tuluyan sanang
nakabangon
> ang sinomang gumising at gumagagap ng matwid na
birtud
> ng dahas.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home